Andito na...

(Too bad for people who cannot understand Filipino)
Vince Michael (am not posting our last name of course...)
Birth Date: April 6, 2006
Time: 11:51pm
Location: Long Island Jewish Hospital, New York
Weight: 7lbs 3oz
Height: 19inches
On bed rest ako since March 28th per my doctor's advice. So dito lang ako sa bahay since then. On Thursday, April 6 at around 3am or so nagsimula na ang contractions ko. At first hindi ako sure kung ano yun basta masakit lang. Di naman sha biglaan, parang wave na unti unting sumasakit ang tyan tapos may peak, tapos unti unting mawawala. Around 3:58am, sinimulan ko na i-count ang # of seconds ng pain and # of minutes in between kasi naging constant na ang pain. Between 4-5am 8minutes apart. 5-6am naging 5-7minutes apart. Tapos after nun naging 3-5 minutes na the whole day. So tinawagan ko yung doctor ko about it. Ang sabi niya, tawagan daw sha kapag sobrang sakit na tapos ipapapunta na ko sa ospital. Apparently, ayaw niya na mag intay kami sa ospital dahil sobrang daming nanganak that Wednesday and Friday na wala na silang rooms. Anyway, buti nalang meron din naman akong appointment sa kanya that day around noon, so pumunta kami ni Joe. By the way, hindi na pumasok si Joe. So, ginawa nila yung NST (non stress test) na dapat ko talagang appointment tapos sinabi ko na may contractions na ako. Wala pa yung doctor ko kasi may pinapaanak pa sha (pati sha busy sa pag anak ng mga tao). So umalis na kami.
An hour or so after, around 3pm, tumawag ang doctor at pinababalik kami sa office niya (andun na sh) dahil gusto niya daw ako imonitor. Pagdating namin dun, minonitor niya ang contractions ko at tinignan niya kung ilang cm na ako dialated. Sabi niya, kung di lang daw sobrang hectic ang ospital, pinadiretso na niya ako dun.
So around 4:30pm, naging 6cm dialated na ako, so pinapunta niya na kami sa ospital. Tumawag na sha in advance para di na nila ako paghintayin.
Pagdating namin dun, nag fill out ako ng forms tapos nilagay na kaagd ako sa isa sa mga labor and delivery room. Binigyan nila ako ng epidural. They were all expcting na mabilis at madali ang delivery ko. around 730pm, dumating ang doctor ko at nakita na 7cm palang ako. So naghintay ulit. By 830 ata yun.... di na ko sure sa oras from this point, tinignan nila ulit. 7cm pa rin ako so binutas na ng doctor ko yung water bag ko to help na mag dialate. Nag 10cm ako after some time, so pinag push ako pero ayaw lumabas ng bata. Apparently, na stuck ang ulo ni Vince in between ng pelvic bones ko. Isa pang problema, hindi ako nakaka push hard enough na ilabas sha. HIRAP KAYA! Anyway, limited ata yung time dahil nga ala na kong water, so nag decide doctor ko na i-CS ako.
Sooo... soon after.... lumabas na si Vince Michael.
Sa sobrang dami ng nanganak, nasa recovery room ako for 12 hours instead na 4 hour lang dapat. Walang rooms na available. Nagtanong ako ng private room, ala rin.
Anyhoo... yun ang kwento...





0 Comments:
Post a Comment
<< Home